Search
  • BULGAR

NU, LUMAPIT NA SA FINALS BERTH, LADY TAMS SA 2ND SEMIFINALS NA


DALAWANG laro na lang ang kailangang bunuin ng reigning titlist National University upang makamit ang target na outright Finals berth, habang inangkin ng Far Eastern University ang ikalawang semifinals berth nang magsipagwagi sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.“I’m just happy we continue playing hard and we’re giving a chance for the new (players) to play also and they’re stepping up and that’s good for us. We’ll be ready for the next game which is UP na naman and I hope that we play as hard as we can again next game,” wika ni NU coach Pat Aquino matapos ang kanilang ika-12 sunod na panalo ngayong season nang muling pataubin ang UE,89-59.

Bunga ng panalo, nahatak ng Lady Bulldogs ang record winning run hanggang ika-76 na sunod laban. Nagposte si Kaye Pingol ng 17 puntos kasunod si Ria Nabalan na may 16 puntos at si reigning MVP Jack Danielle Animam na may double-double 14 puntos at 13 rebounds. (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.