- BULGAR
Labs, tinawag na mukhang bakla at laos… JM, PUMATOL SA BABAE PARA KAY BARBIE
Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

KINILIG na naman ang mga JuanBie fans sa pagtatanggol ni JM de Guzman sa kanyang rumored girlfriend na si Barbie Imperial.
May isang basher kasi ang nag-comment sa Instagram post ni Barbie ng: “Mukhang bakla! Haha. Trying hard masyado… Laos ka na! Balik ka na lang dito sa Bicol. Kawawa ka naman e!”
Reply ni JM sa naturang basher, “Umayos ka iha… Mali ‘yan.”
Oh, at least, sumagot man si JM sa babaeng basher, eh, magalang pa rin naman.
Saka, tama lang namang ipagtanggol niya si Barbie kesa naman sa wala siyang ginawa, ‘di ba?
For sure, maraming inggit much at gustong sabunutan si Barbie sa haba ng hair nito ngayon. Hahaha!