Search
  • BULGAR

Ipagdiwang ang kapaskuhan nang masaya kahit malayo sa pamilya

NANCY BINAY / SERBISYONG TUNAY

NGAYONG papalapit na ang Pasko, naglalabasan na naman ang mga heartfelt at sadyang nakaho-homesick na advertisements sa telebisyon. And these strike a cord with us Filipinos dahil marami sa atin ang may long distance relationship sa ating mga mahal sa buhay.

Wala pa tayong nakikilalang kababayan na walang kamag-anak na hindi nag-abroad para sa mas masaganang buhay para sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas. And every year once the holidays near, we are reminded of the void caused by their absence.

Lalo na para sa mga batang naiwan sa panga­ngalaga ng mga lolo at lola habang ang mga magulang nila ay nagsisikap sa ibang bansa upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan.

May mga negatibong epekto sa mga bata ang pagkawalay sa kanilang mga magulang, that is a fact. Ngunit, dahil sa hirap ng buhay, naiintindihan natin ang necessity ng ganitong uri ng arrangement nila.

Kaya panalangin natin na bagamat, magkakahiwalay ang mga pamilya ngayong kapaskuhan ay maging masaya pa rin ang kanilang pagdiriwang ng holidays.

Bilang ina, alam natin kung gaano kahirap ang mawalay sa mga anak. Siyempre, ideal na makasama natin sila physically upang tayo mismo ang makatutok sa kanilang development. Ngunit, dahil sa hirap ng buhay, marami sa ating kababayan na ang ganitong bagay ay pangarap pa lamang.

But it is important to connect with our loved ones on this very special time of the year, gayunman, dahil sa teknolohiya, madali nang gawin ito dahil papalapit na ang Pasko, let us reconnect with our families here and abroad. Let us exhaust all efforts upang maiparamdam sa kanila na naaalala natin sila at alam nating they only want the best for us kaya sila napapalayo sa ating piling.

The greatest gift this Christmas is still love from family and friends. Sana, maiparamdam ninyo ang pagmamahal ninyo sa inyong mga pamilya ngayong Pasko.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.