top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

INJURY NI CURRY, HINDI MALALA GASOL, BUMIDA SA GRIZZLIES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 12, 2018
  • 1 min read

HINDI naman daw pala seryoso ang nalasap na injury ni Stephen Curry, ayon sa statement ng Golden State Warriors matapos sumailalim ang mama sa MRI.

Nakahinga nang maluwag si GSW head coach Steve Kerr, dahil hindi naman pala malala ang sinapit na injury ng kanilang star player. Magkagayunman, hindi pa rin makalalaro si Curry laban sa Brooklyn Nets ngayon at sa susunod na ilan pang games.

Habang haharapin ng NBA defending champion ang Clippers at sa Miyerkules ay makakabakbakan nila ang Atlanta Hawks. Noong Huwebes nakuha ng two-time MVP ang kanyang injury laban sa Milwaukee Bucks.

Bomalabs ding makalaro bukod ka Steph ang mga beteranong sina Draymond Green dahil sa toe sprain at Shaun Livingston na namamaga ang paa.

Samantala sa ibang laro, tumapos na may season-high 32 puntos si Mike Conley habang may 18 puntos si Marc Gasol, 12 rebounds at 6 assist upang ipanalo ang Memphis Grizzlies sa 112-106 sa overtime game laban sa Philadelphia 76ers.

May naiambag naman na league-leading na ika-13 double-double sa 14 puntos si Joel Embiid. May 20 points si JJ Redick. Nasayang naman sa Sixers ang laro ni T.J. McConnel na may 16 puntos lamang. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page