top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dahil sa basketball | JOURNALIST KINATAY

  • Jeff Tumbado
  • Nov 12, 2018
  • 1 min read

ISANG beteranong ma­mamahayag ang namatay makaraang pagsasaksakin sa covered court sa Daraga, Albay, kahapon.

Nasawi habang gina­gamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hos­pital (BRTTH) sanhi ng ilang tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang bikti­mang si Celso Amo, 65, re­sidente ng Bgy. Pag-Asa.

Agad namang nadakip ang 33-anyos na salarin na si Adam Ibanez, sa kanyang tinitirhan sa naturang lugar kung saan nakatakda sana itong tumakas.

Ayon kay Police Senior Inspector Mayvell Gonza­lez, pasado alas-8:00 ng umaga, habang naglalaro ng basketball si Amo nang la­pitan ito ng suspek para ya­yaing maglaro subalit, tu­manggi ito.

Nagalit ang suspek at saglit na umuwi ng bahay at pagbalik nito ay may hawak na itong patalim at inun­da­yan ng saksak ang biktima.

Si Amo ay retiradong go­vernment employee ng Phi­lippine Information Agency (PIA) sa Bicol Region, isang news stringer ng Philippine News agency (PNA) at cor­respondent ng The Philip­pine Star.

Editor-in-Chief din ito ng pahayagang Windows, ang diyaryo ng Legazpi City Go­vernment at newswriter din ng Dyaryo Bikol at Bicol Mail.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page