Search
  • Green Lantern

CAN YOU GIUB WAGI

WALA tayong karera ngayong araw ng Lunes, pero may line-up na para sa Martes na karera kaya pag-aralan nito na mga tatakbo at para makasilip ng ma­ganda.

Kahapon ang ganda ng bakbakan sa Race 1 na pinanalunan ni Can You Giub na nirendahan ni class A jockey Kelvin Abobo, bahagyang galing sa likuran pero pagdating sa far turn ay ang lakas ng sagitsit nito sa bandang labas.

Sa huling 400 meter race ay inagaw na ni Can You Giub ang unahan. Napalaban pa ang winning horse sa diretsuhan dahil nagbabadya sina She Can Dance at Taranasakalyos, pero naging matatag si Can You Giub at tinawid nito ang meta na may limang kabayo ang agwat sa nasegundong si Chrism.

Hindi naman binigo ni Hello Junior ang mga liyamadista matapos sikwatin ang panalo sa Race 2. Nasegundo sa laban ang magkakamping Joy Joy Joy at Daldalero.

Antabay na lang mga tropang karerista sa tips na ibibigay natin, umaga ng Martes mababasa n’yo ang mga tips ko dito sa BULGAR.

Paalala lang diskarte n’yo pa rin ang masusunod, ang sa akin ay mabigyan ko kayo ng gabay at magamit n’yo sa pagsipat ng magandang pandehadong isa­sama sa Winner- Take-All. Good Luck.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.