Search
  • BULGAR

BOLTS SA GAME 1


MULING nanilat ang Meralco matapos kaldagin ang Alaska, 97-92 sa Game 1 ng 2018 Philippine Basketball Association, (PBA) Governors’ Cup best-of-five semifinals sa Ynares Center, Antipolo kagabi.

Nangalabaw si Allen Durham ng 32 points, 14 rebounds at 6 na assists para sa Bolts na kumakadena ng panalo habang may 16 ang inambag ni Chris Newsome.

Rumatrat agad ang Bolts sa 1st at 2nd quarter hinawakan nila ang 13-point lead, 47-34.

Bakbakan din ang dalawang imports na sina Durham ng Bolts at Mike Harris ng Aces. Kumikig ng 8-0 ang Alaska sa simula ng third period upang ibaba sa limang puntos ang kanilang hinahabol pero hindi nagpabaya ang Bolts kaya nanatili sa kanila ang bentahe.

Lumaro ang Magnolia sa Game 1 ng PBA semis na dala ang paniwalang tatalunin nila ang mahigpit na karibal na Barangay Ginebra.

At sa muling paghaharap nila sa Game 2 ay isasama naman ng Hotshots sa kanilang kukote na daraan sila sa butas ng karayom bago nila makuha ang pangalawang sunod na panalo sa kanilang best-of-five series.

“They’re not gonna lay down, they got a great coach, they got great players, perennial champions, so they’re gonna come back and it’s not gonna be easy,” saad ni Hotshots import Romeo Travis na nagtala ng 37 points, 16 rebounds at limang assists sa Game 1.

Aminado si Magnolia head coach Chito Victolero na mapapahirapan talaga sila sa susunod nilang pagtutuos kontra Gin Kings.

“Knowing coach Tim (Cone), a many-time champion coach, the winningest coach, he knows kung ano mga adjustment na gagawin,” hayag ni Victolero. “We’ll just try to be ready and, hopefully, maulit namin in Game 2.”

Magsisimula ang bakbakan sa alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum, kailangan manalo ng Ginebra upang hindi sila malagay sa alanganin.

Bukod kay Travis, sasandalan din ni Victolero ang kanyang locals na sina Paul Lee, Justin Melton, Mark Barroca at Ian Sangalang.

Mananatiling kakapit si Cone kina reinforcement Justine Brownlee, Greg Slaughter, LA Tenorio at Scotie Thompson. (ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.