Search
  • MC / Green Lantern

350 KALAHOK, IPAKIKILALA NA SA WORLD PITMASTERS


HINDI kukulangin sa 350 kalahok na kumpirma­dong papasok sa parating na 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2 ) 9-Stag Inter­na­tional Derby pati na ang 30 bigtime na manana­bong na magtutuos sa P220K Entry Fee, One-Day 7-Stag Big Event na haharap sa sabong media na gaganapin ngayong araw simula ng 11 a.m. sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.

Nakatakda mula ika-15 hanggang ika-25 ng Nobyembre, sa Newport Performing Arts Theatre, ang pandaigdigang laba­nan ay may garantisa­dong premyo na P15-M na aabot ng mahigit sa P28 milyon kung pagbabase­han ang bilang ng mga siguradong kalahok.

Ang entry fee ay P88,000 at ang pinakamaliit na pusta sa bawat laban ay P55,000.

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ra­mos, Sonny Lagon, RJ Mea & Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Lu­zong, ang world-class event na ito ay suportado ng gold sponsor Thun­der­bird Platinum.

Sa Nob. 15, 16 & 17 ga­ganapin ang tatlong magkakahiwalay na 2-stag eliminations; susun­dan ng one-day 7-stag big event sa Nob. 18.

Ang tatlong 3-stag semis ay gagawin sa Nob. 19, 20 & 21. Ang 4-stag fi­nals para sa lahat ng ma­kaka-iskor ng 2, 2.5, 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Nob. 23, samantalang ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.