Search
  • BULGAR

Utos ni P-Duterte, mga fixer sa BOC patayin; ‘pag drug lords, nganga?

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

FIXERS, IPINAPAPATAY NI P-DU­TERTE, PERO ‘NGANGA’ SA ‘DAVAO GROUP’ AT DRUG LORDS — Ipinag-utos daw ni P-Duterte sa mga sundalong itinalaga niya sa Bu­reau of Customs na barilin at patayin ang mga fixer sa Adwana.

Pambihira, imbes na ang mga kasapi ng “Davao Group” na nabulgar noon na nasa likod ng P6.4-bilyon shabu smuggling at mga sindikato ng droga na nasa likod ng P11 bilyon shabu shipment sa Bureau of Customs ang ipahanap at ipapatay niya, eh, ang napagdiskitahang ipapatay ay ang mga pipitsuging fixer sa Adwana.

Iyan ang uri ng “war on drugs” ni P-Duterte, mga smalltime lang ang target, pero sa mga bigtime, “nganga”, buwisit!

◘◘◘

BOLADAS LANG NI P-DU­TERTE NA HINDI TATAKBONG PANGULO SI SARA— Ang sabi ni P-Duterte ay hindi raw tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 ang anak niyang si Da­vao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ganu’n, eh, bakit ikot nang ikot sa iba’t ibang lugar sa bansa si Sara bitbit ang partido niyang “Hugpong ng Pag­babago” (HNP) at nakikipag-alyansa sa iba’t ibang national at local political party?

Iyan ang istayl ni P-Duterte, bolahin ang publiko tulad din nang sinabi niya noon, hin­di raw siya tatakbong pangulo, pero kumandidato rin at sumabak noong 2016 Presidential Elections, pwe!

◘◘◘

KAPAG NAGING SENADOR PALA SI ROBIN, GAGAWA ITO NG BATAS NA IPAGBAWAL ANG MAS­TURBATION—Nanawagan ang si ac­tor-TV host Robin Padilla sa kalalakihan na itigil na raw ang pagma-masturbate at ini­halimbawa pa ang kanyang sarili na noong makipagdiborsiyo raw siya sa kanyang unang asawa ay hindi na siya nag-mas­turbate kaya lumakas daw kanyang ka­tawan, pagsipa at pagsuntok.

Buti na lang hindi kumandidatong senador si Robin kasi kung tumakbo ito at nanalo, malamang ang unang panukalang-batas na isusulong nito sa Senado ay ipag­bawal sa kalalakihang Pinoy ang mag-masturbate, he-he-he!

◘◘◘

ILLEGAL TERMINAL SA EDSA COR. TAFT., SANHI NG BUHUL-BUHOL NA TRAPIKO — Madalas magkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko sa kanto ng EDSA at Taft Avenue sa Pasay City dahil naghambalang dito ang illegal terminal ng mga jeep, UV Express at bus.

Bawal ito (illegal terminal), pero ang nakapagtataka ay dinededma lang ito ng mga traffic enforcer na nakadestino sa lugar na ito.

Paging MMDA Chairman Danny Lim, baka puwedeng pakikuwestiyon ang mga traffic enforcer sa lugar na ‘yan kung bakit dedma lang sila sa illegal terminal sa Edsa corner Taft sa Pasay City?

Plis lang!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.