Search
  • BULGAR

Presyo ng gas, ibababa para maitaas, buwisit!

KA AMBO / BISTADO

KINATIGAN ng Korte Suprema ang implementas­yon ng K-12.

Mainam naman!

◘◘◘

PUMAPALAG si Gov. ‘Chavit’ Singson sa subasta ng 3rd Telco.

Laking away nito!

◘◘◘

IBABAGSAK ang presyo ng petrolyo next week.

Ito ay para maitaas ulit!

◘◘◘

NAGKAKAINITAN ang China at U.S. sa Spratlys Island.

Hayaan na lang ninyo ang parehong duwag!

◘◘◘

NAKAISKOR si Sen. Manny Pacquiao sa Oxford.

Puwede na siyang tu­makbo sa pagka-pangulo!

◘◘◘

KAPAG naging pangulo si Pacquiao, matatakot sa kanya ang mga drug lord.

Kasi tiyak na maka­titikim ang mga ito ng left hook!

◘◘◘

MAY natanggap tayong text mula sa batikang brod­kaster na si Ka Popo Villa­nueva.

Ayon kay Ka Popo, ang conviction kay Cong. Meldy ay malinaw na pru­­weba na hindi hawak ni P-Duterte ang Judiciary.

◘◘◘

TALIWAS umano ‘yan sa ipinamamarali ng estrelyadong pulahan at palasimbang dilawan nang katigan ng Korte Suprema ang pagpapalibing sa labi ng WWII veteran na si dating Pangulong Ferdinand Mar­cos.

Sa totoo lang, hindi makakalaboso si Cong. Meldy dahil puwede pang maghain ng mosyon for reconsideration.

Puwede ring magpi­yansa!

◘◘◘

SA pinakahuling ulat, hinihiling ng ilang senador na bigyan ng humanitarian consideration ang pinakama­tandang kongresista sa kamara.

Klap! Klap! Klap!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.