top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Karagdagang paraan ng pagbabayad sa SSS ng mga delinquent employer

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 11, 2018
  • 2 min read

Dear Atty. Art,

Magandang araw! May-ari ako ng mini-grocery sa Quezon City. Nabalitaan ko ang additional payment option para sa mga delinquent employer. Nais kong malaman ang tungkol dito. — Dyan Ellaine del Rosario

Sagot

Kamakailan, inilabas ng SSS ang SSS Circular No. 2018-008 na nag-aalok ng karagdagang paraan ng pagbabayad para sa mga kuwalipikadong delingkuwenteng employer na nahihirapang bayaran ang natitira nilang obligasyon sa SSS dahil sa problemang pinansiyal.

Sa ilalim ng SSS Circular No. 2018-008, isang taong ipagpapaliban ang pagbabayad ng multa sa mga delingkuwenteng employer na nakapagbayad na ng principal obligation sa SSS. Naaangkop ang payment scheme na ito sa mga delingkuwenteng employer na binayaran na ng buo ang prinsipal na obligasyon o nabayaran ang prinsipal sa loob ng 90 araw mula ng maaprubahan ang kanyang aplikasyon na humihiling na mabayaran ang kanyang natitirang obligasyon sa SSS.

Kuwalipikado rito ang mga delingkuwenteng employer na may natitirang obligasyon na hindi bababa sa P100, 000, hindi kasama ang multa kahit pa ang employer ay mayroong nakabimbing mga kaso sa tanggapan ng piskal, korte at Social Security Commission (SSC) at kahit mayroon siyang aprubadong settlement scheme o wala.

Partikular na nais tulungan ng SSS ang mga employer na sa kasalukuyan ay nakararanas ng problemang pananalapi dahil sa pagkawala ng kinikita, maling pamamalakad o naapektuhan ng mga kalamidad.

Kung nabigo ang employer na bayaran ang prinsipal sa loob ng 90 araw, papatawan ng 3% multa kada buwan ang natitirang halaga hanggang sa mabayaran ng buo ang prinsipal na kontribusyon. Kaya mahalagang mahigpit niyang sundin ang alituntunin tungkol dito upang maiwasan ang karagdagang multa.

Matapos mabayaran ng employer ang prinsipal, ang kabuuang multa ay maaaring bayaran ng buo o installment na naaayon sa Revised Guidelines in the Installment Payment Scheme for Employers ng SSS.

Para mag-apply sa opsiyon na ito, dapat magsumite ng sulat na humihiling na mabayaran ang prinsipal na obligasyon batay sa updated at pinagsama-samang statement of account (SOA) na inisyu ng SSS branch o SSS Large Accounts Department (LAD). Dapat din na nanotaryo ang promissory note o Undertaking and Collection List na ipoproseso at susuriiin ng branch o LAD. Kung kinatawan ang mag-a-apply, dapat siyang kumuha ng Special Power of Attorney mula sa employer at isumite ito kasama ng mga kinakailangang dokumento.

Itinuturing natin na mahalagang kasangga ang mga employer kaya nilalayon ng SSS na tulungan silang magkapagbayad ng kanilang obligsayon sa SSS sa pamamagitan ng mas maluwag na paraan ng pagbabayad.

Nawa’y nabigyan namin ng linaw ang bagay na ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page