top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

INGLES NG JAZZ, IPINAHIYA SI GORDON, CURRY, PAHINGA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 11, 2018
1 min read

IBINALIBAG ng Utah Jazz ang Boston Celtics, 123-115, upang itala ang pang-anim na panalo sa 12 laro ngayong season kung saan binalikat ang Utah ni Joe Ingles sa bisa ng 27 puntos ang laro, 5 rebounds at 7 assists. Pinaulanan ng boo ng Jazz fans si Boston Celtics forward Gordon Hayward nang maglaro sa unang pagkakataon sa dati niyang balwarte. Pitong taon na sa kanyang career sa Jazz ang 28-anyos na player na may kinamadang 13 puntos, 7 assists sa may 26 na minutong playing time.

Dumiskarte rin para sa Jazz sina Donovan Mitchell sa nagawang 21 points, may 20 si Jae Crowder, nagtala si Rudy Gobert ng 17 at 15 rebounds.

Ang Boston Celtics na may (7-5) kartada ay nakaranas ng pangatlong talo sa apat na huling game. Nakadale si Terry Rozier ng 22 puntos maliban kay Howard.

Ngayong Linggo, sunod na babanat ang Celtics sa Portland habang mag­haharap ang Utah at Grizzlies sa Martes.

Samantala, dahil na rin sa mayroon siyang abductor strain injury ay mala­mang hindi makapaglalaro ng ilang araw sa Golden State Warriors si pointguard Stephen Curry.

Sumailalim na sa MRI si Curry, ayon kay Warriors coach Steve Kerr ay hindi naman malubha ang injury at kailangan lang ng bahagyang therapy at pahinga.

Kaya wala siya sa laban ng GSW sa Brooklyn Nets ngayong Linggo. Na-injured si Curry noong Huwebes nang matalo ang kanyang team sa Milwaukee Bucks. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page