Search
  • BULGAR

Ayaw nang paawat, lantaran na talaga… VICE, NIYAKAP AT HINALIKAN NI CALVIN AFTER NG PBA GAME

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

TRENDING na naman ang love team nina Vice Ganda at The Beast Calvin Abueva na tinawag na ng madlang pipol na CalVice.

Makikita sa mga litrato na kumalat sa social media ang sweetness nina Vice at Calvin nang panoorin na na­man ng komedyante ang laban ng Meralco vs. Phoenix na kinabibilangan ng ‘nagpapasaya’ sa kanya nu’ng Biyernes nang gabi.

Kung noon, pabirong tinawag lang ni Ryan Bang si Calvin na “Daddy,” this time, mukhang ipinakilala na niya si Calvin sa anak-anakan niyang si Ryan na kasa­ma niyang nanood ng laban, at mukhang mas kinikilig pa kesa sa ‘Mommy Vice’ niya.

Habang ongoing ang game, tuloy ang pagpapakilig ni Calvin kay Vice dahil tuwing nakaka-shoot ito ay itinuturo niya si Vice na makikita mo ring bongga ang nararamdamang kilig kapag ipino-focus ng camera at ipinapakita sa big screen.

Matapos ang laban, hindi man na­nalo ang team nina Calvin, mukhang naka-jackpot pa rin ito nang lumapit at hubarin ang jersey para iabot kay Vice, na sinun­dan pa niya ng matamis na beso at yakap sa komedyante.

Pero, hindi natapos sa court ang pagpapakilig ng dalawa dahil after ng game ay agad na nag-tweet si Vice Ganda ng, “You’re the BEAST! And for me you’re the BEST!” para pagaanin ang pakiramdam ni Calvin na hindi nga pinalad manalo sa game.

Agad naman itong ini-retweet ni The Beast, at sinundan ng mensaheng: “Maraming salamat sa suporta mo. Alam kong busy ka pero still nasisingit mo pa mag-watch ng game ko [heart emojis]”

Dahil du’n, hindi napigilan ng mga netizens na kiligin at masabi na real na real na talaga ang CalVice love team.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.