Search
  • BULGAR

UP MAROONS, MAKAKA-SOLO BA SA 4TH PLACE VS. TIGERS?


MAKAHULAGPOS sa kasalukuyang pagka­ka­buhol nila ng Far Eas­tern University upang ma­solo ang ika-4 na puwesto ang tatangkain ng Uni­versity of the Philippines sa pagtutuos nilang muli ng University of Santo Tomas sa tampok na laro ngayong hapon sa pag­pa­patuloy ng UAAP Sea­son 81 Men’s Basketball Tournament sa Araneta Coliseum.

Tabla sa kasalukuyan ang UP at ang FEU sa ika-4 na posisyon hawak ang patas na barahang 6-6, panalo-talo sa likod ng mga pasok na sa Final Four na Ateneo at Adam­son at ng pumapangat­long De La Salle Univer­sity. Nakatakdang magta­pat muli ang Tigers at ang Maroons ng 4 p.m. ma­tapos ang salpukan ng Falcons at ng University of the East Red Warriors ng 2 p.m.

Pumapanglima nga­yon taglay ang barahang 5-7, panalo-talo, may tsan­sa pang makahabol sa huling Final 4 berth ang Tigers sakaling maipanalo ang nala­labing dalawang laro nila sa second round at umasang hanggang pi­tong panalo na rin lang ang maabot ng alin­man sa FEU at UP sa pagtatapos ng elimination para ma­kahirit ng playoff.

Sisikapin ng Maroons na maipaghiganti ang na­tamong 72-86 na ka­biguan sa kamay ng Ti­gers noong Oktubre 10 upang makalamang sa labanan nila ng Tamaraws sa 4th spot.

Samantala, pagtiti­ba­yin ng Falcons ang kapit nila sa no. 2 spot para sa hinahabol na twice-to-beat incen­tive sa muli nilang salpukan ng Red Warriors na hangad nang madag­dagdan ang nag-iisang panalo mata­pos ang 12 laro sa elimina­tions. (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.