Search
  • BULGAR

Sexual violation sa kabataan, nakababahala!

NANCY BINAY / SERBISYONG TUNAY

NATURAL na sa mga magulang ang protektahan at alagaan ang kanilang mga anak.

Kasama sa nakaatang na responsibili­dad natin ang kanilang basic needs sa araw-araw, ang bigyan sila ng pagma­mahal at tulungan silang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Kaakibat ng mga responsibilidad na ito ang pagbibigay sa kanila ng proteksi­yon mula sa pang-aabuso.

Minsan, mapapaisip talaga tayo kung bakit mayroong mga halang ang kalulu­wang nagagawang pagsamantalahan ang mga menor-de-edad, lalo na ang mga kaso na person of authority ang salarin kaya talagang nabahala ang inyong ling­kod sa balita na umano ay pananaman­tala ng isang pulis sa 15-anyos na anak na babae ng dalawang drug suspects.

There is no excuse that can justify ang paglapastangang tulad nito kaya tayo ay naniniwalang napapanahon nang itaas ang age of consent sa bansa.

Sinasabi sa National Baseline Study on Violence Against Children (NBS-VAC) noong 2016 na isa sa limang batang may edad na mas mababa sa 18-anyos ang nakaranas na nang sexual violation.

Ang mas nakalulungkot, alam ba nin­yong kabilang ang Pilipinas sa mga ban­sang may pinakamababang age of con­sent? Ibig sabihin, hindi na maaaring pa­tawan ng kaso ng statutory rape ang mga umabuso sa biktima na pasok na sa minimum age of consent na 12 years old.

Kung iisipin natin noong tayo ay 12-anyos pa lamang, ano ba ang alam natin sa mga maseselang bagay na ito at hindi ba, sobrang mura pa ang isip ng 12-anyos upang gawin itong minimum age of consent?

Bilang ina, ito ang ikinatatakot natin para sa seguridad ng ating mga anak kaya nais nating amyendahan ang Se­nate Bill No. 1895. Mula sa 12-anyos ay magiging 16 yrs. old na ang minimum age sa pagtukoy ng statutory rape sa isang menor-de-edad.

Nakasaad sa ating Anti-Rape Law na masasabi lamang na statutory rape ang pang-aabuso kung ang biktima ay mas bata sa 12-anyos o mentally challenged.

Nakababahala dahil kung susundin ang batas, itong kaso ng 15-anyos na anak ng drug suspects ay hindi na mata­tawag na statutory rape, samantalang, it is clear in our minds na dapat ay maitu­ring itong statutory rape.

Ginagamit na loophole ng ilan ang ma­babang age of consent na ito upang taka­san o lusutan ang mas mataas na penal­ties from their crimes against children. Ito ang nais nating baguhin sa pagsusu­long sa nasabing panukalang-batas.

Sa ilalim ng SB 1895, magiging liable for statutory rape na ang taong nagka­roon ng sexual relations or intercourse sa isang menor na below 16 years old.

Sa pamamagitan nito, mas mapopro­tektahan natin ang kabataan mula sa pang-aabuso. Ipanalangin nating sa lalong madaling panahon ay matalakay at maaprubahan ito upang mabigyan ng karampatang-pro­teksiyon ang masa, ma­rami pa sa ating mga anak na walang kalaban-laban ang maaaring mabik­­tima ng mga masasamang-loob.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.