Sales target ‘di naabot | MGA EMPLEYADO PINAINOM NG IHI, PINAKAIN NG IPIS
Jersey Sanchez
Nov 10, 2018
1 min read
MALALANG parusa ang natanggap ng mga empleyado matapos hindi maabot ang sales target ng kumpanya.
Kumalat sa Weibo, Chinese social media site na pinaiinom ng ihi at pinakakain umano ng ipis ang mga empleyado na hindi nakaabot sa quota ng kumpanya.
Samantala, kulong ang tatlong manager na nagsagawa ng parusa sa mga empleyado.
Hinatulan ng limang taon na pagkakakulong ang mga nasabing salarin.





Comments