• Eddie M. Paez, Jr

PINAY SY, MALAKAS ANG KAMPANYA SA QUBICAAMF BOWLING WORLD CUP


LALO pang kuminang ang kampanya ni Marie Alexis Sy ng Pilipinas matapos siyang lumun­dag mula sa pang-17 papunta sa pang siyam na baytang sa overall standings sa pag­papa­tuloy ng qualifying stage ng pres­tihi­yo­song 2018 Qubica­AMF Bowling World Cup sa palaruan ng Sam’s Place sa Las Vegas, Nevada.

Dahil sa napabagsak na 3,248 pins pagka­tapos ng 16 na laro, lalong gu­manda ang tsan­sa ni Sy na makausad sa susunod na yugto ng kompetisyon at manatiling buhay ang kampanyang makasunod sa yapak ng mga dating reyna ng World Cup mula sa Pilipinas na sina Bong Coo (1979 sa Bangkok, Thailand) Lita Dela Rosa (1978 sa Bogota, Colombia) at Krizzia Lyn Tabora (2017 sa Hermosillo, Mexico). Kumamada ang 26-anyos na Pinay, silver medalist (team of 4) sa 2017 Asian Indoor and Martial Arts Games, ng linyang 223, 201, 201, 201, 169, 213, para sa average pinfalls na 203.

Base sa panuntunan, pagkatapos ng dalawang dosenang games, ang unang 24 pintopplers ay hahakbang sa susunod na bahagi ng kompetisyon kung saan maglalaro uli sila ng karagdagang walong games para malaman ang top 8 qualifiers.

Mula rito, hahanapin na ang magiging final 4 at kalaunan ay ang magsasagupa sa championship round.

Dumulas palabas ng top 24 sa kalalakihan si Matheiu Merwin nang nakapagpakita lang ito ng 2,480 pinfalls at mapako sa pang 26 na puwesto. Isang dosenang pinfalls ang agwat sa kanya ni Saudi Arabian bet Hassan Abdullah Alshaiekh na nasa pang 24 na baytang.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.