Search
  • BULGAR

Mga pulis, 'di lang pang-kill, pang-rape pa? Pwe!

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

PAGPAPANGGAP NI P-DUTERTE NA ANTI-CORRUPT SIYA, WALA NANG PAPATOL SA TAUM­BAYAN—Nanawagan si P-Duterte sa mga negosyante na sam­palin sa harap niya ang mga korup na gov’t. official.

Naks, kung maka­pagsalita si P-Du­terte, akala mo toto­ong anti-corrupt si­ya.

Sa totoo lang, wala nang paki ang publi­ko sa mga ganyang pana­nalita ni P-Du­terte kasi nasaksihan na mis­mo ng taum­bayan na wala si­yang gina­wang ak­siyon sa ibinulgar ng COA (Commission on Audit) tungkol sa mga korup na DDS (Duterte Diehard Supporters) gov’t. official na nangulimbat sa kaban ng bayan at kina ex-Commissioners Nicanor Fa­eldon at Isidro La­peña na kapwa na­sangkot sa puslitan ng tone-toneladang shabu sa Bureau of Customs, period!

◘◘◘

PALAMURA KASI ANG PANGU­LO KAYA ORDI­NANSANG BAN ANG PAGMUMURA SA BAGUIO CITY, TABLADO SA MA­LACAÑANG—Tinutulan ng Malaca­ñang ang ordinan­sang ipinagbabawal ang pagmumura sa Baguio City.

Pambihira, imbes suportahan ng Du­terte gov’t. ang ordi­nansang ito, aba, inayawan pa.

Baka kaya ayaw ng Malacañang na ipatupad ang ordi­nansang ‘yan sa Baguio City ay dahil may plano ang Du­terte gov’t. na gawing legal na ang pag­mumura sa bansa kasi ang pangulo ay kilalang palamura, boom!

◘◘◘

SA KASO NI IMELDA MARCOS, IYAKAN ANG MGA LO­YALISTA, LUN­DA­GAN NAMAN SA TUWA ANG MGA ‘DILAWAN’—Guilty sa pitong kaso ng graft ang inihatol ng Sandiganbayan 5th Division laban kay ex-First Lady, Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Dahil diyan, mala­mang nag-iiyakan na sa lungkot ang mga loyalista at naglulun­dagan naman sa tu­wa ang mga “dila­wan”, boom!

◘◘◘

MGA PARAK HIN­­DI LANG PANG-’KILL...KILL...KILL’, PANG-'RAPE... RAPE...RAPE’ NA RIN — Ilang araw matapos masangkot sa kasong rape si P01 Eduardo Valen­cia ng Manila police, nasangkot din sa panggagahasa ang dalawa pang pulis na sina P01 Jayson Portuguez at P01 Severiano Montalban III, kapwa nakatalaga sa Quezon City police.

Kung ganu’n, hin­di lang pala “kill... kill...kill” ang uso ngayon sa mga pulis kundi pati “rape... rape... rape”. Gan­yan ka-bad ang mga pulis ngayong pana­hon ng Duterte gov’t., buwisit!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.