Search
  • BULGAR

Mga pagsusuri para malaman kung may sakit sa bato

SHANE M. LUDOVICE, M.D / SABI NI DOC

Dear Doc. Shane,

Tanong ko lang kung paano malala­man kung may sakit sa bato o kidney disease ang tao at anong pagsusuri ang dapat gawin? — Arnel

Sagot

Kung may mga sin­to­mas ng sakit sa bato, isa sa mahalagang pag­susuri na ipagagawa ng doktor ay ang blood chemistry o pagtingin ng sample ng dugo para makita ang iba’t ibang kemikal na mayroon kung normal ba ang mga antas nila, partikular na mahalaga ang sukat ng creatinine.

Ang normal na sukat ng creatinine ay 0.6 hang­gang 1.2 milligrams (mg) per deciliter (dL) sa kalalakihan at 0.5 hanggang 1.1 mg/dL sa kababaihan. Kung mataas ang creatinine, nangangahulugan na maaaring may diperen­siya ang bato. Bagamat, hindi puwedeng ito la­mang ang gawing base­han para masabing may problema ang bato. Ang BUN o Blood Urea Nit­ro­gen ay isa ring sukat na mahalagang tingnan. Base sa creatinine, maaaring ma-compute ang glomerular filtration rate (GFR) na siyang sukat ng kakayahan ng mga bato na salain ang mga dumi ng katawan.

Bukod sa blood test na ito, ang urinalysis o pagsusuri sa ihi ay mahalaga rin upang makita kung may protina o dugo sa ihi. Minsan, sinusukat din ang dami ng ihi sa loob ng 24 oras upang makita kung gumagana ba ng maayos ang mga bato.

Sa ilang mga kaso ng sakit sa bato, mahala­gang makita kung ano ang hitsura ng mga bato at mabisang paraan ay ang paggamit ng ultrasound kung malala na ang sakit sa bato, maaaring mag-iba ang hugis ng bato at magmukhang kulubot. Bukod sa ultrasound, puwede ring CT scan ang ipagawa para masilip ang mga bato.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.