Search
  • Pabs Hernandez III

Kelot tinodas ng kainuman

ILOCOS NORTE—Isang lalaki ang namatay nang tagain ng kanyang kainuman, kamakalawa sa bayan ng Banna sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Robert Garcia, samantalang, ang suspek ay si Lowel Yadao, kapwa nakatira sa nasabing bayan.

Nabatid na habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo sina Garcia at Yadao na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima.

Dinala pa ng mga saksi si Garcia sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, agad nadakip ng mga awtoridad ang suspek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.