Search
  • BULGAR

IRVING, BUMIDA SA CELTICS SA OVERTIME KONTRA SUNS


NAKAPAGTALA si Kyrie Irving ng season-high 39 points at 7 rebounds at 6 assists upang matulungan ang Boston Celtics sa bisa ng 116-109 na overtime victory laban sa host Phoenix Suns kahapon sa NBA game.

Dumagdag si Marcus Morris ng 17 points at sumalpak ng patas na 3-point basket sa regulation nang makabawi ang Boston mula sa 22-puntos na pagkaiwan sa third-quarter. Kumonekta si Jaylen Brown ng go-ahead 3-pointer sa overtime para sa 17-point effort at si Terry Rozier ay nagdagdag ng 10 points.

Umiskor si Devin Booker ng season-high 38 points at dumagdag ng 9 assists habang si TJ Warren ay tumabo ng season-high 29 points para sa Phoenix na may 9 na panalo na sa 11 laro. May 14 puntos na kontribusyon sina Deandre Ayton at 10 rebounds habang si Trevor Ariza ay may 11 points at 9 rebounds.

Nakarekober ang Celtics sa malamyang shooting sa first half at tumapos ng 40.2 percent. Trumangko ang Boston sa 19 puntos matapos ang opening quarter at 25 matapos ang 3rd period pero nakahabol sa 20-6 run sa pagtatapos ng regulation para makatuntong ng overtime.

Samantala sa iba pang laro, nakagawa si Paul George ng 20 puntos at 11 rebounds nang magwagi ang Oklahoma City Thunder ng pitong sunod na laro, gibain ang bumibisitang Houston Rockets, 98-80.

Ang pagkatalo ang nagwasak sa tatlong sunod na panalo ng Rockets na pinamunuan ni James Harden na may 19 puntos. Ang 80 puntos ng Houston ang pinakamababa para sa NBA team ngayong season.

Dumagdag si Steven Adams ng 19 puntos at 10 rebound para sa Thunder habang si Terrance Ferguson ay may apat na tres para sa 14 puntos. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.