Honasan, bagong dict secretary
Lourdes Abenales
Nov 10, 2018
1 min read

TINANGGAP na kahapon ni Senador Gringo Honasan ang alok sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kapalit ni Secretary Eliseo Rio.
Ayon sa senador, nagdesisyon umano siya na tanggapin ang alok sa kanya para lalo pang makatulong sa taumbayan.
Samantala, sinabi naman ni Rio na tatanggapin niya ang anumang desisyon ng presidente lalo na at isa siyang sundalo.





Comments