Search
  • BULGAR

BOLTS, SUMWAK NA SA SEMIS, FUELS, PINATALSIK


SWAK sa semifinals ang Meralco Bolts matapos patalsikin ang Phoenix, 108-103 sa overtime sa do-or-die quarterfinals ng 2018 Philippine Basketball Association, (PBA) Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Rumagasa agad ang Fuel Masters sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang 10-point lead, 50-40 sa halftime. Subalit, pumalag ang Bolts sa third quarter, sumikwat ng 30-18 upang maagaw ang bandera, 70-68 papasok ng fourth. Makakalaban ng Bolts ang Alaska Aces sa best-of-five semis.

Samantala, best-of-five lang pero paniguradong sulit ang Manila Classico sa pagitan ng mahigpit na magkaribal na sister team Barangay Ginebra at Magnolia. Magsisimula ang Game 1 semifinals sa pagitan ng crowd favorite Gin Kings at Pambansang Manok Hotshots sa ala-6:30 ng gabi sa Ynares Center, Antipolo.

“It’s going to be a tough one for us,” saad ni Bgy. Ginebra head coach Tim Cone. “It’s always incredibly exciting playing in the Manila Clasico. There’s always a different atmosphere to the game.”

Dahil puro lugmok ay halos hindi na matandaan ni Magnolia point guard Paul Lee kung ilang beses na silang natatalo sa Gin Kings.

“Ilan beses na ba kaming hindi nananalo sa kanila, Lima, anim?” hayag ni Lee. Pero ang totoo ay pitong beses ng tinatalo ng Ginebra ang Magnolia sapul noong 2017 Philippine Cup.

Sasandalan ng Ginebra sina import Justine Brownlee, locals Greg Slaughter, Japeth Aguilar, LA Tenorio at Scotie Thompson. Habang ibabangga naman ng Magnolia sina reinforcement Romeo Travis, Lee, Ian Sangalang at Mark Barroca.

Samantala, base sa nagdaang duwelo, tiyak na ang Barangay Ginebra ang aabangan ng Pambansang Manok. “Ilan na bang games ang hindi kami na­nanalo sa kanila? Lima, anim,?” ani Hotshots star guard Paul Lee. Aktuwal itong pito. (ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.