Search
  • Green Lantern

BATANG BACLARAN

METRO Manila Turf Club ang karera natin nga­yong araw ng Sabado, may walong races na pa­nigu­ra­dong masi­siyahan kayo sa bakbakan.

Magpapakitang-gilas agad ang mga bagitong ka­bayo sa Race 1 at ito’y ang 2-Year-Old Maiden Race na may wa­long en­tries kasama ang couple entry, ang pili ko ay sina Fruity Pebbles, (8), I Feel Good, (1) at Kusing, (7).

Dako tayo sa Race 2, kur­sunada ko rito sina Indian Warrior, (8), Bwana Miss, (9) at Zophany Dane, (3), habang sa Race 3 ay si Himig ang napipisil ko na pang pri­mera at pili tayo sa pamor­kas na Ma­gic Square, (6) at Sweet­ness, (6A) at Kundi­man, (5).

Pili ko sina Pheno­menal, (11) at My Jopay, (6) sa Race 4. Kunin natin sina Yes Kitty, (2) at Kiss­kissbang­bang, (4) sa Race 5. Magan­dang pamoste ang magka­kamping sina Hugo Bozz, (6A) at Stay Ready, (6) sa Race 6, pili tayo kina Fighting Back, (8) at Mount Pulag, (2) sa pang forecast.

Kay Batang Baclaran, (5) ako sa Race 7 pa­morkas ko si Heritage, (1) habang sa Race 8 ay tatlo ang kukunin ko, mahirap kasi itong bana­tan dito, sina couple entry, Sierra Lanes, (4) at Superal, (4A), Thy Will, (7) at Mi Bella Amore, (9) ang pili ko.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.