Search
  • BULGAR

3rd Telco 'di pa man nag-uumpisa, kinukuyog na

KA AMBO / BISTADO

BABABA na raw ang presyo ng mga bilihin.

Sana nga!

◘◘◘

AYAW pang umalis ng dating DICT secretary kahit may kapalit na.

Gusto mo bang ikudeta ka pa ni Sen. Gringo?

◘◘◘

KINUKUYOG na agad ang ikatlong Telco.

He-he-he!

◘◘◘

HINDI maubus-ubos ang parak na sabit sa droga.

Ninja pa more!

◘◘◘

ANO ba ang ninja cops?

Orihinal itong nabuo mula raw sa Manila’s Finest!

◘◘◘

TINAWAG na ninja cops ang mga iskalawag na ito kasi sa gabi sila nag-o-operate.

Hindi sila dumaraan sa pintuan.

Inaakyat nila ang pader papa­sok sa bahay para maghalughog at mangu­limbat!

◘◘◘

IBIG sabihin, mata­gal nang dumodobol bilang kriminal ang mga parak na orihinal na nagmula raw sa May­nila.

Nang ipatupad ang pagbuwag sa PC-INP at ibinawal ang pana­natili sa isang “kuer­po” o distrito ang mga parak, nakawala mula sa Maynila ang mga ninja cop at naka-infiltrate sa iba’t ibang destinasyon at police unit.

◘◘◘

NAGLAHO ang Manila’s Finest at ang ninja cops ay kumalat nang kumalat ang kamandag hanggang sa mapasok ang “illegal drugs”.

Dahil “ninja” ang konsepto, mahirap makilala ang mga “police mafia” na ito!

◘◘◘

Matutukoy lamang ang ninja cops kapag nabisto, naaresto o aktuwal na mahuli sa “illegal activities”.

Siyempre, ilan dito ay naging “heneral”!

◘◘◘

HINDI sila babansagang “ninja cops” kung madali silang mahuhubaran ng maskara.

Mananatili ang “ninja cops” hangga’t may korupsiyon sa kultura ng mga Pinoy!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.