Search
  • BULGAR

Tanggap daw niya, naka-move on na… PAUL, NAGSALITA NA SA RELASYON NINA JM AT BARBIE

Melba Llanera / INSIDER

Don’t trust anyone. ‘Wag mag-trust masyado. Mahirap magtiwala lalo na these days. Mahirap na,” ang makahulugang pahayag ni Paul Salas nang makapanayam namin sa nakaraang 40th surprise birthday party ng kapwa PPL artist niyang si Jolina Mag­dangal at tanungin kung ano ba ang natutunan niya sa naka­raang relasyon nila ng Araw Gabi actress na si Barbie Imperial.

Nang kumustahin namin kung naka-move on na ba siya sa breakup nila ng ex-girlfriend, siniguro ng Kapuso actor na okay at masaya na siya sa tulong ng kanyang pamilya at ng PPL na itinuturing niyang pangalawa niyang pamilya.

Pero todo-iwas pa rin si Paul na sagutin ang naging paratang noon ni Barbie na nakaranas siya ng pisikal na pananakit mula sa ex-boyfriend, na inalmahan naman ng mga magulang ni Paul.

Naniniwala ang aktor na ang lahat ng nangyayari ay may dahilan kaya may dahilan din kung bakit bina-bash siya ng ilang netizens.

Para kay Paul, mas pipiliin pa rin niya na ‘wag na lang magsalita at kung anuman ang pinagdaanan nila ng ex-GF ay sa kanila na lang dalawa.

Naiintindihan naman niya kung bakit umalma ang mga magulang niya sa mga ipinost ni Barbie patungkol sa kanya. Natural lang daw na mag-react ang mga ito pero sinabihan din niya ang mga magulang na ‘wag magpa-stress, na kaya niyang i-handle ang issue at ‘wag nang sumali pa ang mga ito.

Tinanong din namin si Paul kung si JM de Guzman ba ang naging rason ng paghihiwalay nila ng Kapamilya actress.

Depensa niya, ‘di niya pinagselosan kahit kailan si JM. Buo ang suporta niya sa tambalan ng dalawa at masaya siya sa naging tagumpay ng seryeng Araw Gabi.

Sa ngayon ay wala na ring komunikasyon si Paul kay Barbie, pero siniguro niyang masaya siya sa achievements ng dating nobya.

Samantala, eksklusibong pumirma ng kontrata sa GMA-7 si Paul kaya ang pokus niya ngayon ay ang kanyang career. Masaya ang aktor na nakakasama na niya sa ilang guestings ang mga dating kasama sa StarStruck Kids.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.