top of page
Pokwang.jpg

Solusyon sa malalang korupsiyon | 650 opisyal at empleyado ng Customs, dapat sibakin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2018
3 min read

NAKABUTI na nabuking na nalusutan ng mga sindikato ang Bureau of Customs at na­ka­pagpasok nang P7 bilyong shabu na na­katago sa “magnetic lifters”.

Pumutok ang butse ni Pangulong Rodrigo Duterte rito dahil tiwala siya kay Isidro La­peña na matitigil nito ang dambuhalang pa­ngugurakot sa BOC.

Kilala ng pangulo si Lapeña dahil nadesti­no ito noong pulis siya sa Davao City kung saan ma­yor pa si P-Duterte.

Magaling na napamunuan nito ang Philip­pine Drug Enforcement Agency kaya sigura­do ang pangulo na matino at ma­tapang si La­peña at hindi ito makikipagsab­watan sa mga smuggler at korup na opisyal at empleyado sa BOC.

Eh, ang nangyari ay malalim pala ang prob­lema sa ahensiya at hindi porke matino ang pi­nuno nito ay malilinis nito ng korupsiyon.

Lumalabas na sa tingin ni P-Duterte na ki­nakailangang linisin ng buumbuo ang Bureau of Customs.

Kaya sa galit niya ay tinanggal si Lapeña at ipinalit si Rey Leonardo Guerrero na dati ring heneral ng Army na naging chief of staff pa ng Armed Forces of the Philippines.

Pero hindi lang ito, inanunsiyo ni P-Duterte na tutulong ang military sa pagpapatakbo sa Customs hanggang sa malinis ito.

Gayunman, hindi malinaw kung paano ito gagawin ni P-Duterte, pero si Finance Secre­tary Sonny Dominguez na mismo ang nagsabi noong isang araw na malamang 650 na mga opisyal at empleyado ng BOC ay kinakaila­ngang mapalitan.

Napakalaking proyekto ng administras­yong Duterte ang paglilinis sa Bureau of Customs dahil pagrabe nang pagrabe ang korupsiyon dito.

Isipin ninyo, si dating Pangulong Corazon ‘Cory’Aquino noong nasa poder siya ay nag­lagay pa ito ng mga taong malapit sa mga ko­munista sa mataas na posisyon sa BOC kaya mismong mga komunistang New People’s Army ang nakapagpuslit umano ng mga armas nila na mga AK-47.

Noong pumutok ang problema ng iligal na droga ay sa BOC na mismo pinapasok ang shabu.

Wala na raw ang dating estilo na ipapasok ang shabu sa mga sasakyang-pandagat na pu­puslit at magbabagsak ng mga kontraban­dong ito sa mga baybayin sa gabi dahil mas madali raw naipapasok ang mga ito dahil sa pakikipag­sabwatan ng mga opisyal ng BOC at napakalaki raw ng kita sa pakikipag­sab­watan sa mga sindikato ng iligal na droga.

“Small time” na lang ang pangungurakot sa pamamagitan ng pagpapataas ng tina­ta­wag na “tara” bawat container van para hindi na ins­peksiyunin para makolekta ang tamang buwis.

Kaya pala kahit napakatindi ng kampanya ni P-Duterte na tapusin ang salot na iligal na droga ay tuloy pa rin ang problemang ito.

Paano matitigil ito kung tuluy-tuloy ang pagpasok ng shabu sa bayan natin sa mismong mga lugar natin at hindi napipigilan ng BOC dahil sa mga korup na opisyal doon kaya kung malilinis ito ni P-Duterte ay malamang ma­susugpo na rin ang problema ng iligal na droga sa bansa na naging dahilan ng napa­karaming mga patayan at buhay na nasisira?

Gayundin, maaaring magiging ehemplo ito sa buong gobyerno at mag-uumpisa nang malinis isa-isa ang lahat ng mga ahensiya at depar­ta­mento nito.

Ganito ang nangyari sa ibang bansa tulad sa Amerika, nag-umpisa ang paglilinis ng buong gobyerno nila ng korupsiyon matapos ma­isaayos ang kanilang Department of Agri­culture bago ang Pangalawang Digmaang Pan­daigdig.

Sa Hong Kong, naging halimbawa ang pag­lilinis ng kanilang kapulisan noong 1970s kaya kung titingnan natin, napakahalaga ng kam­panya ng pangulo na linisin ang Bureau of Customs kung ito lang ang magagawa nila sa termino niya, kikilalanin siya na isa sa mga napakahusay na pangulo ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page