Search
  • BULGAR

Sa TESDA, sure ang tagumpay sa buhay

ALVIN FELICIANO / TESDA AT YOUR SERVICE

Mga ka-TESDA, habang tayo ay bata pa ay mainam na makapili na tayo ng kursong nais nating maging balang-araw at kung hindi, narito ang TESDA upang tulungan kayong magdesisyon sa nais ninyong maging. Ang inyong tagumpay ay siguradong makakamit sa tulong ng mga programang nakahain sa TESDA.

Tanong: Magadang araw! Gusto kong malaman kung libre ba ang pag-aaral sa TESDA? Nais ko kasing mag-enroll dahil medyo malapit lang ang TESDA rito. — John Philip ng Ilocos Sur

Sagot

Mga ka-TESDA, libre ang pag-aaral sa TESDA basta kayo ay magiging iskolar. Huwag mag-alala dahil maraming kurso ang puwede ninyong pag-aralan. Magtungo sa pinakamalapit na opisina ng TESDA sa inyong lugar o bumisita sa website ng TESDA para makita ninyong maigi kung anong kurso ang inyong nais (http://tesda.gov.ph).

Tanong: Nais kong malaman kung may eskuwelahan ba kayo sa Laoag kung saan puwedeng makapag-training ang mga makatatapos lamang ng hayskul, lalo na ang mga senior high sa ilalim ng programang K-12? — Mae Mendoza

Sagot

Mga ka-TESDA, maaari ninyong puntahan ang Provincial Training Center sa Bgy. 2, P. Gomez Street, Laoag City at Gov. A. Reyes Street, Bgy. 8, Vigan City. Magtungo roon at agad nila kayong bibigyan ng tulong at makapili ng kursong inyong napupusuan, gayundin, maaari kayong tumawag sa mga numerong (077) 670-6901 o (077) 722-6753.

Mga ka-TESDA, sa napakaraming opisina ng TESDA sa iba’t ibang lugar, sigurado ang inyong magan­dang kinabukasan kapag kayo ay nag-enroll sa isa sa mga nasabing opisina at training center. Ang lahat ay kumpleto sa kurso at may maayos na mga pasilidad kung saan mabibigyan ng pansin ang inyong skills at mahuhubog ng wasto. Sa TESDA, siguradong huhusay kayo at mas magiging maayos ang buhay ninyo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.