- BULGAR
Pagresolba ng naisumiteng aplikasyon ng kooperatiba
DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / MAGTANONG KAY ATTORNEY
Dear Chief Acosta,
Gusto sana naming magtayo ng kooperatiba kaya nagsumite kami ng aplikasyon sa Cooperative Development Authority (CDA). Gayunman, gaano katagal bago namin matanggap ang resulta ng aming aplikasyon? — Emman
Dear Emman,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Article 16 ng Republic Act No. 9520 na mas kilala bilang “Philippine Cooperative Code of 2008” kung saan nakasaad ang:
"ART. 16. Registration. – A cooperative formed and organized under this Code acquires juridical personality from the date the Authority issues a certificate of registration under its official seal. All applications for registration shall be finally disposed of by the Authority within a period of sixty (60) days from the filing thereof, otherwise the application is deemed approved, unless the cause of the delay is attributable to the applicant: Provided, That in case of a denial of the application for registration, an appeal shall lie with the Office of the President within ninety (90) days from receipt of notice of such denial: Provided, further, that failure of the Office of the President to act on the appeal within ninety (90) days from the filing thereof shall mean approval of said application.” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, ang mga kooperatiba ay nagkakaroon ng juridical personality mula nang paggawad ng Cooperative Development Authority (CDA) ng certificate of registration na may kaakibat na official seal. Lahat ng aplikasyon para sa rehistrasyon ay nararapat na resolbahin ng CDA sa loob ng animnapung (60) araw mula nang maisumite ang aplikasyon na ito. Kung hindi ito mareresolba sa loob ng nasabing panahon, maaaring maituring na naaprubahan ang aplikasyon maliban na lamang kung ang pagkaantala ay dahil sa kagagawan ng aplikante nito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.