Search
  • Maeng Santos

Na-homesick | LALAKI NANG-HOSTAGE

KALABOSO ang 25-anyos na lalaki na uma­no’y nangulila sa kanyang iniwang pamilya sa pro­binsiya mata­pos i-hos­tage ang anak ng may-ari ng karin­derya sa Caloo­can City.

Ayon kay Caloocan Po­­lice Deputy for Admi­nis­­tra­tion Supt. Ferdinand del Ro­sario, alas-7:00 ng gabi nang pumasok ang suspek na si Jimmy Oni­do, tubong Bi­col, sa karin­derya sa Ha­nay Homes, Bgy. 172, Ur­duja na pag-aari ni Rey Abobo at ku­muha ng kutsilyo saka hi­nabol ang mga taong na­roon.

Umakyat ang suspek sa ikalawang palapag ng karin­deria at hinostage ang anak ni Abobo saka ikinulong ito sa loob ng banyo habang hu­mingi naman tulong ang ama sa mga awtoridad.

Mabilis na rumes­ponde ang mga tauhan ng PCP-6 sa pangu­nguna ni Chief Insp. Anthony Ca­­purcos na si­yang naki­pag-usap sa sus­pek na humiling sa kanila na maka­usap ang kanyang ka­patid na naninirahan sa No­valiches.

Pagdating ng kapatid ng suspek na sinundo ng mga pulis, agad namang napaya­pa si Omido na napag-ala­mang tatlong araw pa lamang sa lung­sod mula sa kanilang lala­wigan.

Matapos makausap ng kanyang kapatid, ku­sang su­muko ang suspek sa mga awtoridad at nai­lig­tas ang biktimang halos hindi na ma­kausap sanhi ng trauma sa pangyayari.

Ayon sa suspek, wala naman umano siyang ba­lak na saktan ang biktima at idi­nahilan na homesick lang siya sa kanyang pa­milya. Bagama’t, walang ti­na­­mong pinsala sa kata­wan ang biktima maliban sa dina­nas na trauma, desidido ang pamilya nito na magsampa ng de­man­da kontra sa sus­pek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.