top of page
Pokwang.jpg

MATHEIU AT SY, UMENTRA NA SA BOWLING WORLD CUP QUALIFYING

Eddie M. Paez, Jr
Nov 9, 2018
1 min read

PASOK sa unang 24 na manlalaro ang mga kina­tawan ng Pilipinas na sina Merwin Matheiu at Marie Alexis Sy pagka­tapos ng walong games sa qualifying round upang mapa­na­tiling maliwanag ang kanilang pangkam­peo­natong paglalakbay sa 2018 Bowling World Cup sa Las Vegas.

Nagkapagpabagsak si Matheiu, 26-anyos ng 1,662 pins mula sa walong games sa linyang 157, 201, 242, 204, 183, 233, 228 at 214.

Ang kanyang average na 207.75 pinfalls ay nag­tulak sa kanya papunta sa pang-20 puwesto sa bak­bakan sa kalalakihan.

Tinuntungan ni Marie Alexis Sy, 26-anyos, ang kanyang average pinfalls na 199.88 para makaakyat sa pang-17 baytang sa kom­petisyon ng mga ka­ba­baihan. Sa kabuuan, nakapagpatumba siya ng 1,599 galing sa 223, 201, 201, 201, 169, 213, 220 at 171 na performances.

Kung mapapanatili ng mga pambato ng Pilipinas ang kanilang puwesto sa top 24 pagkatapos ng 24 games, uusad sila sa su­sunod na yugto kung sa­an maglalaro sila ng karag­dagang walong games para malaman kung sino ang papasok sa final ng prestihiyosong sagupaan.

Pinay ang nagkam­peon sa World Cup noong 2017 nang ginanap ito sa Mexico at sa kasaysayan ay limang kinatawan na ng bansa (tatlong babae at dalawang lalaki) ang na­kaakyat sa trono ng World Cup. Sa lima, si Pa­eng Nepomuceno ay apat na beses nang nag­kampeon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page