• Jeff Tumbado

Holdaper-rapist, utas sa parak

NAPATAY ng mga pulis sa naganap na shootout ang isang lalaking sangkot sa pagnanakaw at panghahalay sa isang 20-anyos na babae sa Isabela.

Kinilala ang napatay na suspek na si Rolly Eguid, na itinuturong pangunahing salarin sa panloloob sa isang computer shop noong nakaraang buwan kung saan isang babae ang hinalay nito.

Ayon kay Isabela Provincial Police Director, Senior Superintendent Mariano Rodriguez, nagtayo ng checkpoint ang mga awtoridad sa nabanggit na lugar ngunit, imbes na tumigil ay pinaharurot pa nito ang kanyang motorsiklo habang may angkas na isa pang lalaki.

Tinugis ng mga pulis si Eguid na naunang nagpaputok ng baril sa mga pulis.

Gumanti ang mga awtoridad na dahilan ng pagkasawi ng suspek habang nakatakas naman ang kanyang kasama.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang handgun na kargado ng mga bala at P22,268 cash.

7 views0 comments
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.