Search
  • Nitz Miralles

Ex mo, Jodi, miss na raw magkaroon ng babae… LOVI AT JOLO, BUKING NA PAREHONG NASA NEW YORK

Nami-miss ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla ang may ka-holding hands at nabanggit niya ito sa kanyang post habang nasa New York siya.

“Spending some quiet time in this park in NYC while watching some lovers pass by. With the romantic ambience, ang sarap sana mag-stroll ng may kahawak-kamay.”

Nag-comment ang friend ni Jinkee Pacquiao na si Bernard Cloma na nasa New York si Lovi Poe at maki­kita niya. Nabasa ni Lovi ang panu­nukso ni Bernard sa kanila ni Jolo at sumagot ng emoji.

Dumaan muna si Jolo sa New York on his way to Boston, Massachusetts kung saan nag-enroll siya ng Executive Education Program sa Harvard Kennedy School. Kasama niyang pumasok du’n sina Janella Estrada (anak ni Jinggoy Estrada) at Migz Magsaysay.

Sa IG Story ni Jolo, may picture siyang nasa Harvard Kennedy School na at ipinost din ang kanyang ID.

Maganda ang ginawa nina Jolo at Janella, ang mag-enroll para dag­dag na kaalaman sa pagiging public servant nila.

“Truly honored to mark this milestone in my personal and professional life as I partake in the Executive Education for Emerging Leaders of Harvard Kennedy School,” post ni Jolo.

Nalito lang kami, parehong inili-link si Jolo kina Lovi at Rhian Ramos na pareho niyang nakasama sa 72 Hours episode ng Tres.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.