top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

CNN reporter, hiniya ni Trump, parang Duterte lang?

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2018
1 min read

WALA nang ulan.

Balik-alinsangan na!

◘◘◘

BUMABABA na ang presyo ng petrolyo.

Yipee!

◘◘◘

DELIKADO ang laban ni ex-DFA Secretary Alan Peter Cayetano sa Taguig City.

Napurnada na naman ang pangarap na maging speaker!

◘◘◘

HINIYA ni U.S. President Donald Trump ang CNN reporter.

Talagang kakambal siya ni P-Digong!

◘◘◘

IPOPROTESTA ang kumpanya na ginawaran bilang ikatlong Telco.

Kunwari lang yan!

◘◘◘

IKINATUWA ng Globe at Smart ang kanilang kakumpitensiya.

Alam kasi nilang “pera-pera” lang!

◘◘◘

DELIKADONG ipatupad ang ikalawang bugso ng TRAIN Law.

Paktaylo!

◘◘◘

MAAYOS ang eleksiyon sa U.S.

Nanalo ang mga ex-militar!

◘◘◘

Talagang kopyang-kopya ng U.S. ang Pilipinas!

Imbes na sumali sa eleksiyon, inia-appoint lang ang mga ex-AFP.

◘◘◘

TAHIMIK na ang shabu smuggling.

Baka nag-a-assemble pa ng magnetic lifter sa China?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page