Search
  • BULGAR

SOARING FALCONS, PUMAGASPAS NA SA FINAL 4 BERTH NG UAAP

PORMAL nang umusad ang Adamson University sa Final Four berth ng UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament matapos pada­pain muli ang University of Santo Tomas, 96-83, kaha­pon sa Araneta Coliseum.

Ito ang ikatlong pagka­kataon na nakapasok ang Falcons sa Final Four sa ilalim ni coach Franz Pumaren.

Ganap na nakontrol ng Falcons ang laro sa third quarter sa pangunguna nina Jerrick Ahanmisi at Jerome Lastimosa na nagposte ng pinagsanib na 20 puntos na nagresulta sa 70-58 na bentahe mula sa 39-40 pagkakaiwan sa halftime.

Binuksan nila ang second half sa pamamagitan ng 15-0 blast upang makalayo sa Tigers. Sinikap pa ng Tigers na humabol ngunit hindi na sila pinahintulutang dumikit pa ng Falcons sa pamumuno nina Sean Manganti, Simon Camacho at Papi Sarr. “If you look at the game we were playing tight in the first half, but when we settled down, we were able to dispose of a very good team,”pahayag ni Pumaren. Tumapos na tops­corer si Sean Manganti na may 22 puntos at 7 rebounds kasu­nod si Simon Camacho na may career best 15 puntos 3 rebounds at tig-2 assists at blocks.

Bumagsak ang Tigers sa markang 5-7 at kinakailangan nilang ipanalo ang natitirang dalawang laban upang patuloy na buhayin ang tsan­sang umabot ng semifinals. (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.