- BULGAR
Revival at re-opening ng na-dismiss na kaso sa labor
DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / MAGTANONG KAY ATTORNEY
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman ang mga maaari kong maging remedyo sa aking kaso sa labor na “dismissed without prejudice”. — Jeremy
Dear Jeremy,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 20, Rule V ng 2011 National Labor Relations Commission (NLRC) Rules of Procedure ang mga maaaring gawin ng isang partido sa kanyang kaso sa labor na dismissed without prejudice:
“SECTION 20. REVIVAL AND RE-OPENING OR REFILING OF DISMISSED CASE AND LIFTING OF WAIVER. – A party may file a motion to revive or re-open a case dismissed without prejudice, within ten (10) calendar days from receipt of notice of the order dismissing the same; otherwise, the only remedy shall be to re-file the case. xxx” (Binigyang diin)
Batay sa nabanggit na probisyon, ang mga remedyo sa inyong kaso sa labor na “dismissed without prejudice” ay ang mga sumusunod: Una, mag-file ng Motion to Revive o Reopen sa loob ng sampung (10) araw mula sa pagkatanggap ng notice ng order na nagdi-dismiss sa inyong kaso at pangalawa, i-refile ang inyong na-dismiss na kaso sa NLRC.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga salaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.