'Pag nawala ang korupsiyon, 90% ng problema ng mga Pinoy, solb!

NAKOPO ng kroni ang ikatlong Telco.
Mabuhay ang mga campaign donor!
◘◘◘
PERO, kapartner ng kroni ang China telecom.
Mabuhay pa rin ang mga singkit!
◘◘◘
LUMABAS na pautot lang ang ilang nag-apply sa bidding para kunwari ay marami silang interesado.
‘Yan ang tipikal na modus sa mga subasta!
◘◘◘
INIHAHAIN na ang apela sa korte ng losers sa subasta.
Isang masamang iskema sa subasta.
Ididiskaril ang kontrata kapag sila ay nae-etsapuwera!
◘◘◘
KAPAG nawala si P-Digong sa Malacañang, delikadong balewalain ang kontrata ng kroni sa ikatlong Telco.
Isa ring tradisyon ng mga pulitiko!
◘◘◘
ANG ugat ng pagdarahop sa Pilipinas ay korupsiyon.
Kapag nawala ang korupsiyon, mareresolba ang 90 porsiyento ng problema sa bansa.
◘◘◘
HINDI lang sa Pilipinas laganap ang korupsiyon kundi sa buong daigdig.
Sa China, Saudi Arabia, Malaysia at Indonesia ay talamak din ang korupsiyon.
◘◘◘
SA Pilipinas, mula barangay hanggang Malacañang ang korupsiyon.
Mula sa tanod ng barangay hanggang sa heneral ay may “regular tara”.
◘◘◘
EPISYENTENG public administration ang dapat pokus ng edukasyon.
Kasi maging ang sekta o relihiyon ay batbat din ng korupsiyon.
◘◘◘
HINDI malinaw kung saan dinadala ng mga pari at Obispo ang koleksiyon ng Simbahan.
Hindi rin malinaw kung saan dinadala ng mga pastor at lider ng mga sekta ang koleksiyon sa kanilang mga “mananampalataya”.
◘◘◘
UBOD nang yaman ang founding pastor ng mga bagong litaw na sekta sa bansa.
Bulag, pipi at bingi ang kanilang mga miyembro sa korupsiyon sa loob ng kanilang sekta!





Comments