Search
  • BULGAR

Accredited schools ng TESDA sa inyong probinsiya, alamin!

ALVIN FELICIANO / TESDA AT YOUR SERVICE

MGA ka-TESDA, nais ba ninyong mag-enroll sa TESDA ngunit, hindi ninyo alam kung saan magsisimula at nalalayuan kayo sa TESDA kaya hindi kayo makapag-training? Magandang balita, nasolusyunan na ito ng ahensiya. Wala na kayong dapat ikabahala dahil halos lahat ng probinsiya o rehiyon ay mayroon ng mga accredited na eskuwelahan at training center na inyong maaasahan.

Tanong: Magandang araw! Nais kong kumpirmahin kung ang Erhard Systems Technological Institute ay rehistrado sa TESDA at maaaring pag-enrolan para sa training? — Reanne Manalo

Sagot

Mga ka-TESDA, ang Erhard Systems Technological Institute ay aktibong rehistrado sa TESDA at maaari kayong mag-enroll dito kung nais ninyong kumuha ng mga tech-voc na kurso. Maaari ninyo silang tawagan sa mga numerong (042) 567-5561 upang mag­karoon ng mas detal­yadong impormasyon tungkol sa mga listahan ng kurso na mayroon sila.

Tanong: Magan­dang araw! Kasalu­ku­yan akong nasa May­nila ngunit, gusto ko nang umuwi ng Romblon at doon na mag-training. May­roon ba kayong TESDA Training Center sa Romblon na maaaring pag-enrolan? — Anthony Cabahug

Sagot

Mga ka-TESDA, tayo ay mayroong training center sa Romblon. Narito ang eksaktong lokasyon na maaari ninyong puntahan: Servanez Bldg., Gen. Luna St., Odiongan, Romblon. Gayundin, maaari ninyo silang tawagan sa mga numerong (042) 567-5116.

Mga ka-TESDA, kahit nasaan pa kayo sa ating bansa, sagot ng TESDA ang libreng pag-aaral ninyo. Huwag ng masyadong mag-isip dahil puwedeng-puwede kayo maging iskolar ng TESDA, lalo na kung ang problema ninyo ay kapos sa pera at suporta ng mga tao sa paligid ninyo. Hindi kayo pababayaan ng TESDA, kaya mag-enroll na!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.