Search
  • BULGAR

‘Trip to Hong Kong’ patong sa ulo ng ninja cop

MAY alok na ‘trip to Hong Kong’ si Pangulong Rod­rigo Duterte sa mga pulis na makapapatay sa ka­nilang mga superior na sangkot sa iligal na droga.

“That’s right. I’m going to reward that police­man, any policeman who will kill his superior because the superior is into drugs. I will give you a prize and a trip to Hong Kong,” ani Pangulong Duterte.

Bagama’t, paulit-ulit na ang banta ng pangulo laban sa mga tinaguriang ‘ninja cop’, nakapagtataka na hindi pa rin sila tumi­tigil.

Hindi na tinatablan ng takot at hiya.

Paano nga ba magtatagumpay ang giyera sa droga kung ang mismong mga sangkot dito ay silang mga inaasahan nating ta­gasupil?

May pulis na adik, mayroon ding tulak at siyempre, ang mga boss na protektor!

Kahit may mga napapatay na mula sa kanilang hanay, ayaw pa ring magsitigil.

Maging ang pangulo ay aminadong sobrang malala na ang problema sa droga sa bansa dahil maging ang mga pulis, alkalde at kapitan ng barangay ay sangkot dito.

Eh, kung hindi uubra ang patong sa ulo baka itong ‘trip to Hong Kong’, eh, marami ang kumagat, yari kayong mga ninja cop!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.