Search
  • BULGAR

SBU RED LIONS, LUMAPIT SA KORONA


LUMAPIT ang San Beda University sa pagsikwat ng pangatlong sunod na korona matapos kalusin sa Game 1 ang Lyceum of the Philippines 73-60 sa 94th NCAA basketball tournament Finals kahapon sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Nagtulungan sa opensa sina Robert Bolick, Donald Tankoua at Javee Mocon upang mamuro ang Red Lions sa Game 2 na ilalarga sa Lunes sa parehong lugar. “May isa pa kaya hindi pa kami masaya,” ani team captain Bolick.

Nagtala si Mocon ang 14 points at 10 rebounds habang bumakas si Bolick ng 12 puntos at siyam na assists para sa Mendiola-based squad SBU.

Naging magaan ang panalo ng San Beda sa pagkawala ng kamador ng Pirates na si reigning Most Valuable Player, (MVP) CJ Perez na napatawan ng one-game suspension. Naparusahan si Perez dahil sa pag-file niya ng application sa PBA draft na hindi ipinaalam sa NCAA.

Sa Game 2 makalalaro si Perez, kailangang manalo ng Pirates upang makahirit ng do-or-die Game 3.

Kumayod si Mike Nzeusseu ng 16 pts. para sa LPU habang tig-13 puntos ang binakas ng magkapatid na Jaycee at Jayvee Marcelino. Bumira rin si MJ Ayaay ng siyam na puntos para sa LPU. (ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.