- BULGAR
Sa gobyernong Duterte, 'pag alagad ng Diyos, deported; 'pag anak ng drug queen, acquitted? B
PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN
COA, HINDI DAPAT MAGPA-BULLY; DAPAT ALAMIN KUNG SAAN GINASTOS NI P-DUTERTE ANG P12.5 BILYON LAST YEAR—Shocking ang Commission on Audit (COA) sa kanilang natuklasan na umabot sa P12.5 bilyon ang gastos ng Office of the President o tanggapan ni P-Duterte nitong nakalipas na 2017. Marahil, ang walang pakundangang paggastos ni P-Duterte sa kaban ng bayan ang dahilan kaya binu-bully nito ang COA na huwag daw pakialaman ang paggastos ng gobyerno sa pera ng bayan.
Sa isyung ito, hindi dapat magpa-bully ang COA at dapat gampanan nila ang mandato nila sa taumbayan sa pamamagitan ng pag-audit kung saan ginastos ng pangulo ang ganyan kalaking pera ng bayan, period!
◘◘◘
MAS MALAKAS MAGWALDAS NG PERA SI P-DUTERTE KAYSA KAY EX-P-NOY—Kung ikukumpara ang naging gastos nina P-Duterte at ex-P-Noy sa unang taon ng kanilang panunungkulan, aba, sobrang laki ng agwat ng kanilang gastos kasi noong 2011, gumastos lang ang tanggapan ni ex-P-Noy ng P1.3 bilyon pero, si P-Duterte ay P12.5 bilyon ang gastos last year (2017).
Dahil diyan, lumalabas na mas malakas palang magwaldas sa pera ng bayan si P-Duterte kaysa kay ex-P-Noy, buwisit!
◘◘◘
ALAGAD NG DIYOS, DEPORTED; ANAK NG DRUG QUEEN, ACQUITTED — Dahil sa utos ni P-Duterte, tuluyan nang ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) si Sister Patricia Fox, ang Australyanong misyunaryo na kumakalinga at nakikipaglaban sa karapatan ng mga magsasaka at katutubong Pinoy, sa kabilang banda ay inabsuwelto ng korte sa kasong drug trafficking si Diana Uy Yu, anak ng tinaguriang drug queen na si Yu Yuk Lai.
Iyan ang batas ng Duterte gov’t., ‘yung madreng alagad ng Diyos, deported at ‘yung Chinese na anak ng drug queen, acquitted, boom!
◘◘◘
‘TONGPATS’ COLLECTOR ‘MONMON’, FEELING HIGH RANKING OFFICIAL NG NPD—Sibilyan daw ang “tongpats” collector na si alyas “Monmon”, pero kung mag-aasta raw ito kapag nasa headquarters ng Northern Police District (NPD) ay parang opisyal ng NPD.
Paging PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, pakikuwestiyon nga si NPD Director Gregorio Noto Lim kung bakit hindi nito ipinahuhuli ang “tongpats” collector na ito na feeling high ranking official ng PNP, period!