Perslab ni : Bertong bad trip


Natatandaan mo pa ba noong tayo ay nagtatawanan,
nagkukulitan, nag-aasaran sa park at naglalambingan?
Hindi alintana kahit grades ko man ay bumaba,
basta para sa iyo, lahat ‘yun ay balewala.
Saksi ang punong inukitan ko pa.
Lahat na yata ng kakornihan ay ginawa ko na.
Walang pakialam sa iniisip nila, mapasaya ka lang, ‘yun ang mahalaga.
Ang sabi ng iba, “‘di ‘yan magtatagal!”
sapagkat ang tulad ko raw ay isang hangal.
Tingnan ko na lang daw ang aming sitwasyon,
tila suntok sa buwan ang aking ambisyon.
Kahit ganu’n, ako ay hindi naniwala dahil ang sabi mo, “ika’y sa akin magtiwala”.
Dagdag mo pa, “ikaw na sana ang huli”,
eh, bakit ngayon ay wala ka na sa aking tabi?
Lintik na pag-ibig ‘to, bakit nauso pa?
Ako naman ngayon ang narito at nabiktima.
Akala ko ay masaya, paluluhain ka lang pala!
Sana, ‘wag na ‘tong maulit pa.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments