top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Para sa mga madalas malagasan diyan, read n‘yo ‘to, dali! APPLE CIDER VINEGAR, KERING PAMPATIBAY NG

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 7, 2018
2 min read

SAWA ka na ba sa hindi effective na treatment sa mga salon? Oks lang ‘yan dahil may mas convenient at epektibo nang solusyon diyan, be­shy, dahil ayon sa mga eksperto, ang apple cider vinegar daw ay kering pampakapal at pampatibay ng buhok. Wow!

Ang pagnipis at pagiging dry ng bu­hok ay dulot ng iba’t ibang life­style tulad ng madalas na pagka-stress, hindi ta­mang pagda-diet at ma­dalas na pagpapalit ng sham­poo at conditioner.

Nakadaragdag din ang madalas na pagga­mit ng styling tools, pag­ka-expose ng buhok sa araw at mga kemikal mula sa iba’t ibang treatment.

Ang apple cider vinegar ay kilala bilang rekado sa mga inihahanda nating pagkain.

Ito ay gawa sa mansanas gamit ang fer­men­tation process na nakapagpapayaman sa mineral at acid na taglay nito.

Samantala, kilala rin ang apple cider vinegar bilang home remedy lalo na sa mga gus­tong magpapayat, pero ayon sa mga eks­perto, na­katutulong din ito sa pagpapatibay at pagpapakintab ng buhok.

Sinabi ng mga dalubhasa, ang buhok na dry ay may­roong mataas na alkaline o pH scale at dahil mataas ang acid na mayroon ang apple cider vinegar, napabababa nito ang pH at naibabalik ang balanse nito sa buhok.

Dagdag pa rito, nakatutulong daw umano ang apple cider sa pagkontrol ng bacteria o fungi na maaaring maging sanhi ng pagkati ng anit.

Samantala, para maga­mit ang apple cider vine­gar bilang hair treatment, maglagay lamang ng lima hanggang anim na kutsara ng apple cider vinegar at ihalo ito sa kaparehong dami ng tubig, gayundin, maaari itong dagdagan depende sa haba ng bu­hok. Pagkatapos mag-sham­poo at mag-condi­tioner, ilagay ang pinag­halong apple cider vinegar at tu­big sa anit hanggang sa dulo ng buhok.

Hayaan munang nakababad ito sa loob ng tatlo hanggang limang minuto, banlawan ito nang mabuti at patuyuin ang buhok.

Oh, ‘di ba, mga beshy, sobrang easy lang? Kaya naman huwag nang ma-stress kung mahal magpa-treatment sa mga salon dahil keri naman itong solusyunan ng apple cider vinegar.

Stay pretty, okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page