- BULGAR
P55 bilyong koleksiyon, target sa Adwana, hmmm...
KA AMBO / BISTADO
ITINALAGA bilang chairperson ng Presidential Commission on Urban Poor si TESDA Executive Director Alvin Feliciano.
Congrats, pare!
◘◘◘
TARGET ang P55 bilyong koleksiyon sa Adwana.
Hala bira!
◘◘◘
INAASAHAN ang paglobo sa presyo ng petrolyo.
Pistingyawalagi!
◘◘◘
DIREKTANG ikinakampanya ni P-Digong si Freddie Aguilar.
Pagmamahal sa “anak”!
◘◘◘
SI Mocha, hindi ba ikakampanya ni P-Digong?
Ganu’n lang ba ‘yun?
◘◘◘
WALA pang listahan si P-Digong ng kanyang mga “manok” sa 2019.
Sino kaya ang matutuwa?
Sino rin ang magagalit?
◘◘◘
MAGKAKALABAN ang mga kandidato ng PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago sa local level.
Matira ang may “grasya”!
◘◘◘
TAPOS na ang tag-ulan.
Pero, hindi pa tapos ang tagguho!
◘◘◘
NINENERBIYOS si U.S. President Donald Trump sa U.S. Midterm Elections.
Pero, mas kinakabugan si ex-U.S. President Barack Obama!
◘◘◘
WALA ng isyu sa kakapusan ng bigas.
Nasa merkado na kasi ang smuggled rice!