Search
  • BULGAR

MAYWEATHER, BABANAT KAY KICKBOXER TENSHIN SA JAPAN

KASADO na ang susu­nod na laban ni Floyd Mayweather at hindi kina Conor McGre­gor o Khabib Nurmago­medov.

Babanat ang undefeated boxer kontra Japanese kick­boxing sen­sation Tenshin Nasukawa sa laban na tinatawag na super bout chal­lenge.

Ang laban ay inanun­siyo kamakailan sa news conference sa Japan.

Unang iniulat na hindi pa alam kung sa paanong paraan sila maglalaban, kung sa MMA rules ba, boxing o kickboxing. Ang detalye ayon kay May­weather ay pag-uusapan pa. “As far as the weight class and the rules, we’ll get that situated in the next few weeks,” saad ni Mayweather.

Ang laban ay idaraos pa sa Bisperas ng Bagong Taon. May kartadang 50-0 si Mayweather bilang boxer at may 21 knockouts na ka­makailan ay tinalo si Mc­Gregor nang lumaban ang MMA Irish fighter sa boxing ring imbes na sa UFC octagon. Ha­wak ni Tenshin ang 27-0 bilang kickboxer na may 21 knockouts.Ang laban ay idaraos sa Dis. 31 sa Saitama Super Arena sa Japan. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.