- BULGAR
Kung kinakailangang magkaroon ng "bond" para makapag-apela
DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / MAGTANONG KAY ATTORNEY
Dear Chief Acosta,
Bakit kinakailangang magkaroon ng “bond” para makapag-apela sa National Labor Relations Commission (NLRC)? — Joshua
Dear Joshua,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 6, Rule VI ng 2011 National Labor Relations Commission (NLRC) Rules of Procedure ang pangangailangan ng Bond upang maperpekto ang apela kapag may iginawad na monetary award ang Labor Arbiter o Regional Director sa kanilang decision:
“SECTION 6. BOND. – In case the decision of the Labor Arbiter or the Regional Director involves a monetary award, an appeal by the employer may be perfected only upon the posting of a bond, which shall either be in the form of cash deposit or surety bond equivalent in the amount to the monetary award, exclusive of damages and attorney’s fees. xxx” (Binigyang diin)
Tinalakay sa Loon, et al. vs. Power Master, Inc. (G.R. No. 189404, 11 December 2013), na isinulat ni Mahistrado Arturo D. Brion ng Korte Suprema, ang rationale o dahilan sa pangangailangan ng appeal bond kung saan sinabi rito na:
“The rationale of requiring an appeal bond is to discourage the employers from using an appeal to delay or evade the employees’ just and lawful claims. It is intended to assure the workers that they will receive the money judgment in their favor upon the dismissal of the employer’s appeal.”
Batay sa nabanggit, ang bond ay kinakailangan upang maperpekto ang apela kapag may iginawad lamang na monetary award ang Labor Arbiter o Regional Director sa kanilang decision. Ang rationale o dahilan sa pagkakaroon ng appeal bond ay upang pahinahin ang loob ng mga employer na iapela ang kaso na magiging sanhi ng pagtagal nito hanggang sa maiwasan nila ang pagbibigay sa makatuwiran at legal na hinihingi ng kanilang empleyado.
Dagdag pa rito, ang layunin ng appeal bond ay ang pagtiyak na makukuha ng mga empleyado ang iginawad sa kanila na monetary award kapag na-dismiss hanggang sa huli ang apela ng kanilang employer.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga salaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.