Search
  • BULGAR

Kahit mabagal, basta umuusad | Hustisya sa palpak na bakuna, makakamit din

BOBI TIGLAO / BANAT

MARAMI ang nagtataka kung bakit tikom si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa Deng­vaxia at sa kaso ng 100 kabataang namatay matapos maturukan daw ng bakunang ito?

Masyado bang nag-iingat si P-Duterte? Sana ganito lang ang dahilan kung bakit tahimik siya sa paksa ng Dengvaxia kung hindi ay marami ang tatabangan sa kanya dahil sanay ang taumbayan na nakikipaglaban ito kani­numan.

Panahon na para pakinggan at pag-aralan ni P-Duterte ang posisyon ng Public Attorney’s Office na pinangungunahan ni PAO Chief Per­sida V. Rueda-Acosta, lalo na ngayong 100 ang mga batang naawtopsiya ng PAO, sa hiling na rin ng mga magulang na nagdadalamhati sa pagkawala ng kanilang mga inosenteng anak.

Nagsampa na ang PAO ng 27 reklamo ng “reckless imprudence resulting in multiple homi­cide” laban sa mga dating opisyal ng admi­nistrasyon ni dating Pangulo Benigno “Noy­noy” Aquino III.

Nangunguna sa kinasuhan si ex-Health Sec­retary Janette Garin, gayundin, ang 28 pang ibang dating opisyales ng gobyerno ni ex-P-Noy pati na rin ang mga opisyal na gumawa ng vaccine, ang Sanofi Pasteur kasama ang lokal distributor nito na Zuellig Pharma Cor­poration.

Sa gitna ng pagdami ng mga batang na­matay dahil diumano sa Dengvaxia, nag-iisip na ang PAO na palalakasin nila ang kaso mula sa reckless imprudence sa mas matinding kasong murder.

“Kung alam nilang nakamamatay ang Dengvaxia, hindi lang ito kapabayaan, ito ay murder,” sabi ni Atty. Acosta.

Binanggit nito ang mga siyentipikong pag-aaral na lumabas bago pa man ginawa ng ad­ministrasyong Aquino ang malawakang pagba­kuna ng mga estudyante noong Abril 2016.

Maraming ‘warnings’ ang nailabas na hindi pinansin ng dating administrasyon.

Isa na rito ang pag-aaral noong 2014 ng Research Institute for Tropical Medicine na si­nabing maraming seryosong “adverse ef­fects” ang Dengvaxia kabilang ang posibleng pagkamatay ng naturukan.

Tayo mismo ay may mga nabasang studies tungkol dito at kahit sa Internet lang ay ma­kukuha natin ang mga ito kaya hindi kapani-paniwala ang depensa ni Garin na wala raw nagsabi na marami ang epekto ng Dengvaxia.

Alam ninyo, sa ibang bansa sa Asya, ay mayroon din silang mga kaso ng dengue pero, ang mga opisyal doon ay maingat.

Hindi sila biglaang naglulunsad ng isang malaking programa ng pagbakuna hangga’t hindi ito napag-aaralang mabuti.

Halatang minadali ng gobyerno ni P-Noy ang paglunsad ng programang anti-dengue, isang buwan bago ang eleksiyon noong Mayo 2016.

Malakas ang amoy ng korupsiyon sa gi­nawang programang ito ng Dengvaxia kaya maraming hindi nasisiyahan sa katahimikan ni P-Duterte sa isyu.

Alam nating galit ito sa ko­rupsiyon pero, bakit ‘no say’ siya tungkol dito?

Kung ayaw niyang sumawsaw sa isyu ng Dengvaxia, sana ay tumutok na lang siya sa posibleng korupsiyon at iba pang posibleng iligal na nangyari sa pagbili ng gobyernong Aquino ng mamahaling bakuna.

Mabuti na lang at kahit mabagal ay tu­matakbo pa rin ang hustisya sa bansa. Noong Hulyo, nagsampa ang National Bureau of In­vestigation (NBI) ng kasong graft at technical malversation sa Ombudsman laban kina ex-P-Noy, ex-Budget Secretary Butch Abad at ex-Health Secretary Janette Garin dahil sa ma­anomalyang pagbili ng P3.5 bilyong Dengvaxia.

Sinabi ng NBI na may iregularidad at cons­piracy sa paglabas ng certificate of product re­gistration (CPR), gayundin, sa pag-isyu ng exemption sa Philippine National Drug For­mulary (PNDF) at Formulary Executive Council.

Ang Senado mismo ay nakitang minadali ang paglabas ng mga sertipikasyong ito sa ka­nilang imbestigasyong ginawa.

Obvious ba, gusto lang nilang maihabol ang programang Dengvaxia bago matapos ang termino ni ex-P-Noy, may kumita ba at mag­kano? Ito ang matinding tanong!

Gayundin, sana ay tingnan ng NBI kung overpriced ang bakuna dahil marami ang nag­sasabing napatungan daw ng husto ang pres­yong siningil ng Sanofi Pasteur sa Pilipinas.

Inakusahan din ng NBI ang tatlo ng “tech­nical malversation” dahil ang P3.5 bilyon na ginamit nila para mabili ang imported na bakuna ay kinuha mula sa pondo para sa benepisyo ng mga empleyado ng executive department.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.