Hirit ng MMDA | NAPAKATAAS NA FOOTBRIDGE, LALAGYAN NG ESCALATOR

HINDI para sa persons with disabilities (PWDs), senior citizens at mga buntis ang napakataas na footbridge sa EDSA-Kamuning sa Quezon City kundi sa mga able-bodied pedestrian.
Ayon kay MMDA Manager Jose Arturo ‘Jojo’ Garcia, Jr., ginawa ang naturang footbridge dahil sa ilang aksidente na kinasasangkutan ng mga pedestrian na tumatawid ng EDSA.
Nabatid na ang naturang steel footbridge ay ginawa sa EDSA-Kamuning na may siyam na metro na mas mataas sa power lines ng MRT-3.
Nasa P10 million ang budget sa pagpapagawa ng footbridge at plano itong lagyan ng escalator na inaasahang matatapos ngayong Nobyembre 15, 2018





Comments