top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Gawan ng batas — Simbahan | PAGMUMURA SA PUBLIC PLACE, BAWAL

Madel Moratillo
Nov 7, 2018
1 min read

NANAWAGAN ang isang opisyal ng Simbahang- Katolika sa mga mambabatas na lumikha ng isang batas na magbabawal sa pagsasa­lita ng bastos at pagmumura sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Baguio Bi­shop Victor Bendico, ito ay upang maturuan ang mga ka­bataan sa paggamit ng mga angkop na salita na hindi nakasasakit sa kapwa tulad ng pagmumura.

Ginawa ni Bendico ang panawagan kasunod ng ipi­natutupad na Anti-Profanity Ordinance sa Baguio City na nagbabawal sa pagsasalita ng bastos at pagmumura sa mga piling institusyon at lu­gar na madalas pinupunta­han ng mga kabataan.

Maliban sa nasabing or­dinansa, mahalaga rin ani­yang masimulan sa bahay ang pagtuturo sa mga ka­bataan ng kabutihang-asal na nararapat pangunahan ng mga magulang ang paglala­had ng mga magagandang salita at hindi ang pagmu­mura. Sa pamamagitan aniya nito, mahuhubog ang mga kabataan tungo sa mabuting asal.

Wala mang tinukoy na pangalan, sinabi ng Obispo na may ilang matataas na opisyal ng pamahalaan ang hayagang nagmumura sa publiko na napapanood at naririnig ng mga kabataan.

Nasasaad sa ordinansa na maaaring mapaalis sa es­kuwelahan ang mga estud­yanteng lalabag dito habang hinimok naman ang mga lugar, institusyon at maging ang ilang establisimyento na madalas pinupuntahan ng mga kabataan na maglagay ng mga paskil bilang paki­kiisa sa kampanya at pag­papatupad ng ordinansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page