Search
  • MC / Green Lantern

WORLD PITMASTERS CUP, ‘MASTER BREEDERS 2’ 9-STAG INT’L DERBY


MAY isang linggo na lang bago ang pagbubukas sa Nobyembre 15, ang pinaka­hihintay na 2018 World Pit­masters Cup (MasterBree­ders-2) 9-Stag International Derby ay handa na upang mu­ling isulat ang kasaysayan ng sabong sa Pilipinas.

Nakatakda mula Nob. 15-25 sa Newport Perfor­ming Arts Theatre, Resorts World Manila, ang pandaig­di­gang labanan ay magta­tampok ng mahigit 350 de-kalibreng kalahok mula sa pinakamahuhusay na game­fowl breeders at Pitmasters ng bansa.

May garantisadong premyo na P15-M na pu­wedeng madoble depende sa dami ng mga maglalaban, ang entry fee ay P88,000 at ang pinakamaliit na pusta sa bawat laban ay P55,000.

Bilang karagdagan sa 9-stag international derby, muling magkakaroon ng isang a one-day 7-stag big event na may entry fee na P220,000.

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Sonny Lagon, RJ Mea & Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay su­portado ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan & Thunderbird Bexan XP.

Sa Nob. 15, 16 & 17 ga­ganapin ang tatlong magka­kahiwalay na 2-stag elimi­nations; susundan ng one-day 7-stag big event sa Nob. 18. Ang tatlong 3-stag semis ay gagawin sa Nob. 19, 20 & 21.

Ang 4-stag finals para sa lahat ng makaka-iskor ng 2, 2.5, 3 or 3.5 puntos pagka­tapos ng semis ay magha­harap sa Nob. 23, samanta­lang ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.

Lahat ng interesadong lumahok ay maaring kumon­tak sa Facebook Page 2018 World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby.

Ilan sa mga kumpir­madong magbibitaw ng kanilang mga pambatong tinale sina Jojo De Mesa, Jojo Remigio / Vito De Guz­man / Ampil Bros., Jr Tolen­tino, Judge Paneda, Jun Bacolod, Jun Rubio / Gus Sanchez / Aris Rosario, Engr. Jun Sevilla, Junnel Paras Sr., Ka Ador Pleyto, Ka Luding Boongaling / Rey Soberano, Khulit Alcala, Larry A­mante, Larry Rubinos, Lawrence Wacnang, Ligorio (Rigor) / Sepacio / Alejandro (Jun) Dote, Lito Orillaza, Louie Madlangbayan, Larry Y. Rubinos, Magno Lim at marami pang iba.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.